Magkasintahan, nasalisihan ng mga gamit habang nagde-date sa isang parke sa Maynila

by hadmanuel634020

Nasalisihan ng dalawang kawatan na nakabisekleta ang isang magkasintahan nagdi-date sa isang public park sa Maynila. Nadakip ang isang suspek na buntis pala.

 Sa ulat ni John Consulta sa GMA News 24 Oras nitong Huwebes, ipinakita ang CCTV footage habang sweet na sweet sa kanilang pagkakaupo ang magkasintahan.

Hindi nila napansin ang dalawang suspek na nakabisikleta na pasimpleng lumapit sa kanilang likod at kinuha ang bag ng mga biktima at saka umalis.

Natukoy at nadakip ang isa sa mga suspek, na isang babae na tatlong buwang buntis.

Umamin ang suspek sa krimen na idinahilan na nangangailangan siya kaya nagawang magnakaw.

“Hindi rin po ako nagsisisi. Nagawa ko na, magsisisi ka pa, hindi na po,” dagdag niya.

Sinalakay naman ang tindahan na pinagbentahan ng mga gamit ng mga biktima na laptop at cellphone sa halagang P700.00.

Bukod sa mga suspek sa pagnanakaw, kakasuhan din ng pulisya ang mga bumili ng gamit ng mga biktima.

Patuloy namang hinahanap ang kasabwat ng buntis.– Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News

You may also like

Leave a Comment

multipurpose site for ROV ,drone services,mineral ores,ingots,agro commodities-oils,pulses,fatty acid distillate,rice,tomato concentrate,animal waste -gallstones,maggot feed ,general purpose niche -consumer goods,consumer electronics and all .Compedium of news around the world,businesses,ecommerce ,mineral,machines promotion and affiliation and just name it ...

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy